2 Nephi 5:1–4, 34

Masdan, ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, ay labis na nagsumamo sa Panginoon kong Diyos, dahil sa galit ng aking mga kapatid. [i]2711[/i] Datapwat masdan, ang kanilang galit ay lalong naragdagan laban sa akin, hanggang sa hinangad nilang kitlin ang aking buhay. Oo, sila ay bumulung-bulong laban sa akin, sinasabing: [i]2277[/i]

Ang ating nakababatang kapatid ay nag-iisip na mamuno sa atin; at tayo ay nagkaroon na ng maraming pagsubok dahil sa kanya; kaya nga, ngayon, atin siyang patayin, upang hindi na tayo mahirapan pa dahil sa kanyang mga salita.

Sapagkat masdan, hindi natin siya mapahihintulutang maging ating pinuno; sapagkat nauukol sa atin na kanyang mga nakatatandang kapatid, ang mamuno sa mga taong ito.

Ngayon hindi ko isinusulat sa mga laminang ito ang lahat ng salitang kanilang ibinulung-bulong laban sa akin. Datapwat sapat nang aking sabihin na hinangad nilang kitlin ang aking buhay.


At sapat nang sabihin ko na apatnapung taon ang lumipas, at kami ay nagkaroon na ng mga digmaan at pakikipag-alitan sa aming mga kapatid.

From section: Ang Pagkakahati-hati sa Pagitan ng mga Nephita at ng Mga Lamanita

From page: Ang Kolonisasyon ng Lupaing Pangako

Commentary