At itinulot niyang sumapit sa kanila ang sumpa, oo, maging isang masidhing sumpa, dahil sa kanilang kasamaan. Sapagkat masdan, pinatigas nila ang kanilang mga puso laban sa kanya, kung kaya’t natulad sila sa batong kiskisan; [i]2714[/i] [i]2282[/i] anupa’t sapagkat sila ay mapuputi, at labis na kaaya-aya at kalugud-lugod, upang hindi sila maging kaakit-akit sa aking mga tao ay itinulot ng Panginoong Diyos na umitim ang kanilang mga balat. At ganito ang wika ng Panginoong Diyos:
Itutulot ko na sila ay maging karima-rimarim sa iyong mga tao, maliban na lamang kung magsisisi sila sa kanilang mga kasamaan. At kasumpa-sumpa ang mga binhi niya na makikiisa sa kanilang mga binhi; sapagkat masusumpa sila ng gayon ding sumpa. At winika ito ng Panginoon, at ito ay nangyari nga.
...at ang mga Lamanita, na hindi maruruming tulad ninyo, gayon pa man sila ay isinumpa ng masidhing sumpa, ay pahihirapan kayo maging tungo sa pagkalipol.