1 Nephi 19:22–24

Ngayon ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, ay itinuro sa aking mga kapatid ang mga bagay na ito; [i]2242[/i] at ito ay nangyari na, na maraming bagay ang aking binasa sa kanila, na nakaukit sa mga laminang tanso, [i]2245[/i] upang malaman nila ang hinggil sa mga gawain ng Panginoon sa ibang lupain, sa mga tao noon.

At binasa ko sa kanila ang maraming bagay na nasusulat sa mga aklat ni Moises; subalit upang lubos ko silang mahikayat na maniwala sa Panginoon nilang Manunubos ay binasa ko sa kanila ang mga isinulat ng propetang si Isaias; sapagkat inihahalintulad ko sa amin ang lahat ng banal na kasulatan, upang ito ay maging para sa aming kapakinabangan at kaalaman. Kaya nga, nangusap ako sa kanila, sinasabing:

Pakinggan ninyo ang mga salita ng propeta, kayo na mga labi ng sambahayan ni Israel, isang sangang binali; pakinggan ninyo ang mga salita ng propeta, na isinulat para sa buong sambahayan ni Israel, at ihalintulad yaon sa inyong sarili, upang magkaroon kayo ng pag-asa gayon din ang inyong mga kapatid na kung kanino kayo ay inihiwalay; sapagkat sa ganitong kaparaanan ito isinulat ng propeta.

From section: Ang Mga Kasulatan at Mga Aral ni Nephi

From page: Ang Kolonisasyon ng Lupaing Pangako

Commentary