Ang Kolonisasyon ng Lupaing Pangako

Ang Mga Kasulatan at Mga Aral ni Nephi

1 Nephi 19:8–21

Si Nephi ay kumuha ng mga nilalaman mula sa laminang tanso upang bumanghay ng mga malapropesiyang sanaysay tungkol kay Jesukristo.

At ako, si Nephi, ay isinulat ang mga bagay na ito para sa aking mga tao, na baka sakaling mahikayat ko sila na alalahanin nila ang Panginoon, na kanilang Manunubos. Samakatwid, nagsasalita ako sa buong sambahayan ni Israel, kung sakali mang makuha nila ang mga bagay na ito.

Sapagkat masdan, may pamamatnubay ang Espiritu sa akin, na pumapagod sa akin hanggang sa manghina ang lahat ng aking kasu-kasuan, para sa mga yaong nasa Jerusalem; sapagkat kung hindi naging maawain ang Panginoon, na ipakita sa akin ang hinggil sa kanila, maging tulad sa kanyang mga propeta noon, ako rin sana ay nasawi na.

At tunay na ipinakita niya sa mga sinaunang propeta ang lahat ng bagay hinggil sa kanila; at ipinakita rin niya sa marami ang hinggil sa amin; anupa’t talagang kinakailangan lamang na malaman namin ang hinggil sa kanila sapagkat nasusulat sila sa mga laminang tanso.

1 Nephi 19:22–24

Si Nephi ay nangaral ng mga bagay na nakasulat sa mga laminang tanso; ninais niyang hikayatin ang lahat na maniwala kay Jesukristo.

Ngayon ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, ay itinuro sa aking mga kapatid ang mga bagay na ito; at ito ay nangyari na, na maraming bagay ang aking binasa sa kanila, na nakaukit sa mga laminang tanso, upang malaman nila ang hinggil sa mga gawain ng Panginoon sa ibang lupain, sa mga tao noon.

At binasa ko sa kanila ang maraming bagay na nasusulat sa mga aklat ni Moises; subalit upang lubos ko silang mahikayat na maniwala sa Panginoon nilang Manunubos ay binasa ko sa kanila ang mga isinulat ng propetang si Isaias; sapagkat inihahalintulad ko sa amin ang lahat ng banal na kasulatan, upang ito ay maging para sa aming kapakinabangan at kaalaman. Kaya nga, nangusap ako sa kanila, sinasabing:

Pakinggan ninyo ang mga salita ng propeta, kayo na mga labi ng sambahayan ni Israel, isang sangang binali; pakinggan ninyo ang mga salita ng propeta, na isinulat para sa buong sambahayan ni Israel, at ihalintulad yaon sa inyong sarili, upang magkaroon kayo ng pag-asa gayon din ang inyong mga kapatid na kung kanino kayo ay inihiwalay; sapagkat sa ganitong kaparaanan ito isinulat ng propeta.

1 Nephi 22:1

Hindi nauunawaan ng mga kapatid ni Nephi kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito.

At ngayon ito ay nangyari na, na matapos na ako, si Nephi, ay mabasa ang mga bagay na ito na nauukit sa mga laminang tanso, lumapit sa akin ang aking mga kapatid at sinabi sa akin:

Ano ang kahulugan ng mga bagay na ito na iyong binasa? Masdan, ang kahulugan ba ng mga yaon ay ayon sa mga bagay na espirituwal, na matutupad ayon sa espiritu at hindi sa laman?

1 Nephi 22:2–31

Si Nephi ay nagbigay sa kanila ng mga detalyado at mahabang pagsusuri at paliwanag.

At ako, si Nephi, ay sinabi sa kanila: