Masdan, ipinaalam ang mga yaon sa mga propeta ng tinig ng Espiritu; sapagkat sa pamamagitan ng tinig ng Espiritu ay ipinaaalam ang lahat ng bagay sa mga propeta, na mangyayari sa mga anak ng tao ayon sa laman. Anupa’t ang mga bagay na aking binasa ay mga bagay na tumutukoy sa mga bagay na kapwa temporal at espirituwal; [i]2252[/i] sapagkat ang sambahayan ni Israel ay tila, sa malaon at madali, ay ikakalat sa lahat ng dako ng mundo, at sa lahat din ng bansa.