At masdan, marami sa ngayon ang nawawala na sa kaalaman ng mga yaong nasa Jerusalem. Oo, ang malaking bahagi ng buong lipi ay naakay nang palayo; at nakakalat sila paroo’t parito sa mga pulo ng dagat; at kung nasaan man sila ay walang nakaaalam sa atin, maliban sa nalalaman natin na sila ay inakay palayo.