[1 Nephi 19:8–21] Mga naunang hula ng mga propeta

At ang Diyos ng ating mga ama, na inakay palabas ng Egipto, mula sa pagkaalipin, at pinangalagaan din niya sa ilang, oo, ang Diyos ni Abraham, at ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob ay isinuko ang kanyang sarili, ayon sa mga salita ng anghel, bilang isang tao, sa mga kamay ng masasamang tao, na itataas, ayon sa mga salita ni Zenok, at ipapako sa krus, ayon sa mga salita ni Neum, at ililibing sa isang puntod, ayon sa mga salita ni Zenos, na kanyang sinabi hinggil sa tatlong araw ng kadiliman, na ibibigay bilang palatandaan ng kanyang kamatayan sa mga yaong naninirahan sa mga pulo sa dagat, ibinigay lalung-lalo na sa mga yaong kabilang sa sambahayan ni Israel.

From section: Ang Mga Kasulatan at Mga Aral ni Nephi

From page: Ang Kolonisasyon ng Lupaing Pangako

Commentary