Sapagkat masdan, wika ng propeta, dagliang darating ang panahon na mawawalan ng kapangyarihan si Satanas na tuksuhin ang mga anak ng tao; sapagkat malapit nang dumating ang araw na lahat ng palalo at sila na mga gumagawa ng kasamaan ay magiging parang mga pinaggapasan; at darating ang araw na sila ay tiyak na susunugin. Sapagkat malapit nang dumating ang panahon na ang kaganapan ng kapootan ng Diyos ay mabubuhos sa lahat ng anak ng tao; [i]2259[/i] sapagkat hindi niya pahihintulutang daigin ng masasama ang mabubuti.