Anupa’t, pangangalagaan niya ang mabubuti sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, maging kung kinakailangang dumating ang kaganapan ng kanyang kapootan, at ang mabubuti ay pangangalagaan, maging tungo sa pagkalipol ng kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng apoy. Kaya nga, hindi dapat matakot ang mabubuti; sapagkat ganito ang wika ng propeta, maliligtas sila, maging kung ito man ay sa pamamagitan ng apoy.