[1 Nephi 22:2–31] Ang kaharian ng demonyo

Sapagkat dagliang darating ang panahon na ang lahat ng simbahang itinayo upang makakuha ng yaman, at ang lahat ng yaong itinayo upang makaangkin ng kapangyarihan sa laman, at ang mga yaong itinayo upang maging tanyag sa paningin ng sanlibutan, at ang mga yaong naghahangad ng pagnanasa sa laman at sa mga makamundong bagay, at upang gumawa ng lahat ng uri ng kasamaan; oo, sa lalong maliwanag, lahat ng yaong kabilang sa kaharian ng diyablo ang mga yaong dapat na matakot, at manginig, at mayanig; sila ang mga yaong tiyak na ibababa sa lupa; sila ang mga yaong tiyak na matutupok na parang pinaggapasan; at ito ay ayon sa mga salita ng propeta.

From section: Ang Mga Kasulatan at Mga Aral ni Nephi

From page: Ang Kolonisasyon ng Lupaing Pangako

Commentary