[1 Nephi 22:2–31] Isang tupa at isang pastol

At dagliang darating ang panahon na ang mabubuti ay dadalhin na parang mga guya sa kuwadra, at ang Banal ng Israel ay maghahari sa kapangyarihan, sa lakas, at dakilang kaluwalhatian. At titipunin niya ang kanyang mga anak mula sa apat na sulok ng mundo; at bilang niya ang kanyang mga tupa, at siya’y kilala nila; at magkakaroon ng isang kawan at isang pastol; at pakakainin niya ang kanyang mga tupa, at sa kanya sila mamamastol.

From section: Ang Mga Kasulatan at Mga Aral ni Nephi

From page: Ang Kolonisasyon ng Lupaing Pangako

Commentary