At nangangahulugan ito na darating ang panahon na matapos ikalat at lituhin ang buong sambahayan ni Israel, na magbabangon ang Panginoong Diyos ng isang makapangyarihang bansa sa mga Gentil, oo, maging sa ibabaw ng lupaing ito; at sa pamamagitan nila ay makakalat ang ating mga binhi. At matapos maikalat ang ating mga binhi, ang Panginoong Diyos ay magpapatuloy na gumawa ng kagila-gilalas na gawain sa mga Gentil, na magiging labis na mahalaga sa ating mga binhi; anupa’t, inihahalintulad ito sa pangangalaga sa kanila ng mga Gentil at kinakalong sa kanilang mga bisig at sa kanilang mga balikat.