At magiging mahalaga rin ito sa mga Gentil; at hindi lamang sa mga Gentil kundi gayon din sa buong sambahayan ni Israel, tungo sa pagpapaalam ng mga tipan ng Ama ng langit kay Abraham, sinasabing:
Sa iyong mga binhi ay pagpapalain ang lahat ng lahi ng mundo. At nais ko, aking mga kapatid, na inyong malaman na ang lahat ng lahi ng mundo ay hindi maaaring pagpalain maliban kung hindi niya ipakikita ang kanyang bisig sa paningin ng mga bansa.
Kaya nga, ipagpapatuloy ng Panginoong Diyos ang pagpapakita ng kanyang bisig sa paningin ng lahat ng bansa, sa pagsasakatuparan ng kanyang mga tipan at kanyang ebanghelyo sa mga yaong kabilang sa sambahayan ni Israel. [i]2256[/i]
Anupa’t, muli niya silang palalayain sa pagkabihag, [i]1136[/i] at sama-samang titipunin sila sa mga lupaing kanilang mana; [i]2257[/i] at lalabas sila mula sa kalabuan at mula sa kadiliman; [i]2255[/i] at makikilala nila na ang Panginoon ang kanilang Tagapagligtas at kanilang Manunubos, ang Makapangyarihan ng Israel.