[1 Nephi 19:8–21] Ang mga taong pumapatay sa Mesiyas ay huhusgahan.

At tungkol sa mga yaong nasa Jerusalem, wika ng propeta, pahihirapan sila ng lahat ng tao, dahil ipinako nila sa krus ang Diyos ng Israel, at tinalikuran ng kanilang mga puso, tinanggihan ang mga palatandaan at himala, at ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos ng Israel. At sapagkat tumalikod ang kanilang mga puso, wika ng propeta, at kinamuhian ang Banal ng Israel, sila ay magpapagala-gala sa laman, at masasawi, at magiging bulung-bulungan at bukambibig, at kapopootan ng lahat ng bansa.

From section: Ang Mga Kasulatan at Mga Aral ni Nephi

From page: Ang Kolonisasyon ng Lupaing Pangako

Commentary