Gayon pa man, kapag dumating ang araw na yaon, wika ng propeta, na hindi na nila itatalikod ang kanilang mga puso sa Banal ng Israel, doon niya maaalaala ang mga tipan na kanyang ginawa sa kanilang mga ama. Oo, doon niya maaalaala ang mga pulo ng dagat; oo, at lahat ng taong kabilang sa sambahayan ni Israel ay aking titipunin, wika ng Panginoon, ayon sa mga salita ng propetang si Zenos, mula sa apat na sulok ng mundo. Oo, at makikita ng buong sangkatauhan ang kaligtasan ng Panginoon, wika ng propeta; bawat bansa, lahi, wika at tao ay pagpapalain.