1 Nephi 19:3,6–7

At matapos kong magawa ang mga laminang ito sa pamamagitan ng kautusan, ako, si Nephi, ay nakatanggap ng kautusan na ang ministeryo at ang mga propesiya, ang higit na malilinaw at mahahalagang bahagi ng mga yaon, ay nararapat isulat sa mga laminang ito; at na ang mga bagay na nasusulat ay nararapat na pag-ingatan para sa kaalaman ng aking mga tao, na aangkin sa lupain, at sa iba pa ring matatalinong layunin, na mga layuning nalalaman ng Panginoon.


Gayon pa man, hindi ako sumusulat ng anumang bagay sa mga lamina kundi rin lamang inaakala kong ito ay banal. At ngayon, kung nagkamali man ako, maging sila ay nagkamali rin noon; hindi sa nagdadahilan ako dahil sa ibang tao, kundi dahil sa aking sariling kahinaan, ayon sa laman, papaumanhinan ko ang aking sarili. Sapagkat ang mga bagay na ipinalalagay ng ibang tao na napakahalaga, kapwa sa katawan at sa kaluluwa, ay pinawawalang-saysay ng iba at niyuyurakan sa ilalim ng kanilang mga paa. Oo, maging ang yaon ding Diyos ng Israel ay niyuyurakan ng mga tao sa ilalim ng kanilang mga paa; sinasabi ko, niyuyurakan sa ilalim ng kanilang mga paa subalit gagamit ako ng ibang pananalita—siya ay kanilang winalang-saysay, at hindi pinakikinggan ang tinig ng kanyang mga payo.

From section: Ang Mga Talaan ni Nephi

From page: Ang Kolonisasyon ng Lupaing Pangako

Commentary