1 Nephi 19:4–5, 2 Nephi 5:29

Kaya nga, ako, si Nephi, ay gumawa ng talaan sa iba pang mga lamina, [i]2709[/i] na nagbibigay ng ulat, o nagbibigay ng nakararaming ulat ng mga digmaan at alitan at pagkalipol ng aking mga tao. [i]2284[/i] At ginawa ko ito, at inutusan ang aking mga tao kung ano ang kanilang nararapat gawin matapos ang aking pagpanaw; at na ang mga laminang ito ay nararapat na magpasalin-salin mula sa isang salinlahi at sa iba pang salinlahi, o mula sa isang propeta at sa iba pang propeta, hanggang sa magbigay pa ng kautusan ang Panginoon. At ang ulat ng paggawa ko ng mga laminang ito ay ibibigay pagkaraan nito; at pagkatapos, masdan, magpapatuloy ako alinsunod sa aking sinabi; at ginagawa ko ito upang maingatan ang higit na banal na mga bagay para sa kaalaman ng aking mga tao.


At ako, si Nephi, ang nag-iingat ng mga talaan sa aking mga lamina, [i]1134[/i] na aking ginawa, tungkol sa aking mga tao sa ngayon.

From section: Ang Mga Talaan ni Nephi

From page: Ang Kolonisasyon ng Lupaing Pangako

Commentary