Ang Mga Propesiya at Payo ni Lehi sa Kanyang Pamilya

Salita para kay Jose

2 Nephi 3:1

Nagsalita si Lehi kay Jose, na isinilang sa ilang.

At ngayon ako ay nangungusap sa iyo, Jose, aking bunso. Ikaw ay isinilang sa ilang sa aking mga kahirapan; oo, sa mga araw ng aking pinakamasidhing kalungkutan ay dinala ka ng iyong ina.

2 Nephi 3:2

Nawa’y ang lupaing ito ay maitalaga bilang mana para sa iyo, Jose, hangga’t iyong tinutupad ang mga kautusan.

At nawa ay ilaan din ng Panginoon ang lupaing ito sa iyo, na isang natatanging lupain, bilang iyong mana at mana ng iyong mga binhi kasama ng iyong mga kapatid, para sa iyong katiwasayan magpakailanman, kung mangyayaring iyong susundin ang mga kautusan ng Banal ng Israel.

2 Nephi 3:3

Nawa’y pagpalain ka ng Panginoon nang ang iyong binhi ay mapangalagaan; tayo’y mga inapo ni Jose ng Egipto.

At ngayon, Jose, aking bunso, na inilabas ko sa ilang sa aking mga kahirapan, nawa ay pagpalain ka ng Panginoon magpakailanman, sapagkat ang iyong mga binhi ay hindi lubusang malilipol. Sapagkat masdan, ikaw ay bunga ng aking balakang; at ako ay inapo ni Jose na dinalang bihag sa Egipto.

2 Nephi 3:4–5

Nakita ni Jose ang ating araw, at nakita ang mabuting sanga mula sa kanyang angkan na makakikilala sa Mesiyas.

At dakila ang mga tipan ng Panginoon na ginawa niya kay Jose. Samakatwid, tunay na nakita ni Jose ang ating panahon. At natamo niya ang pangako ng Panginoon, na mula sa bunga ng kanyang balakang ay magbabangon ang Panginoong Diyos ng isang mabuting sanga sa sambahayan ni Israel; hindi ang Mesiyas, kundi isang sangang mababali, gayon pa man, ay maaalaala sa mga tipan ng Panginoon na ang Mesiyas ay magpapakita sa kanila sa mga huling araw, sa diwa ng kapangyarihan, hanggang sa pagdadala sa kanila mula sa kadiliman, tungo sa liwanag—oo, mula sa natatagong kadiliman at pagkabihag tungo sa kalayaan.

2 Nephi 3:6

Nagpropesiya si Jose tungkol sa piniling tagakita na magmumula sa kanyang angkan.

Sapagkat si Jose ay tunay na nagpatotoo, sinasabing:

Isang tagakita ang ibabangon ng Panginoon kong Diyos,
na magiging piling tagakita sa bunga ng aking balakang.

2 Nephi 3:7–13

Sinabi ni Jose na ang piniling tagakitang ito ay magdadala sa liwanag ng mga sinaunang tipan, at ipanunumbalik ang mga ito.

Oo, tunay na sinabi ni Jose:

2 Nephi 3:14–15

Nagpropesiya si Jose na ang tagakitang ito ay pagpapalain, at ang kanyang pangalan ay ipapangalan sa kanya, at dadalhin din ang pangalan ng kanyang ama.

At sa gayon nagpropesiya si Jose, sinasabing:

2 Nephi 3:16–21

Nagpropesiya si Jose na ang tagakitang ito ay magiging katulad ni Moises, magkakaroon ng isang tagapagsalita, at mangangaral ng pagsisisi sa kanyang mga inapo.

Oo, gayon ang iprinopesiya ni Jose:

2 Nephi 3:22–23

Dahil sa tipang ito, si Jose, ay pinagpala, at ang kanyang angkan ay makikinig sa mga salitang ito, at mapangangalagaan.

At ngayon, masdan, Jose, anak ko, alinsunod sa ganitong pamamaraan ang aking ama ay nagpropesiya. Kaya nga, dahil sa tipang ito, ikaw ay pinagpala; sapagkat ang iyong mga binhi ay hindi malilipol, sapagkat sila ay makikinig sa mga salita ng aklat.

2 Nephi 3:24

Ang isang makapangyarihan ay mapupunta sa iyong mga inapo, at gagawa ng maraming kababalaghan sa pagsasakatuparan ng panunumbalik.

At may magbabangon na isang makapangyarihan sa kanila na gagawa ng maraming kabutihan, kapwa sa salita at sa gawa, bilang kasangkapan sa kamay ng Diyos, na may labis na pananampalataya na makagawa ng maraming kababalaghan, at makagawa ng bagay na dakila sa paningin ng Diyos, tungo sa pagsasakatuparan ng maraming pagpapanumbalik sa sambahayan ni Israel, at sa mga binhi ng iyong mga kapatid.

2 Nephi 3:25

Makinig sa iyong kapatid na si Nephi, at ikaw ay pagpapalain.

At ngayon, pinagpala ka, Jose. Masdan, ikaw ay musmos pa; kaya nga, makinig ka sa mga salita ng iyong kapatid na si Nephi, at mangyayari sa iyo maging alinsunod sa mga salitang aking sinabi. Pakatandaan mo ang mga salita ng iyong nag-aagaw-buhay na ama. Amen.