Ngayon ito ay nangyari na, na si Gedeon ay humayo at tumindig sa harap ng hari, at sinabi sa kanya:
Ngayon O hari, kayo ay nakinig sa aking mga salita nang maraming ulit noong tayo ay nakikipaglaban sa ating mga kapatid, ang mga Lamanita.
At ngayon O hari, kung hindi ninyo ipinalalagay na ako ay isang hindi kapaki-pakinabang na tagapagsilbi, o kung hanggang sa ngayon kayo ay nakikinig sa aking mga salita kahit paano, at ang mga ito ay naging kapaki-pakinabang sa inyo, gayon pa man, hinihiling kong makinig kayo sa aking mga salita ngayon, at ako ay inyong magiging tagapagsilbi at palalayain ang mga taong ito mula sa pagkaalipin.
At pinahintulutan siya ng hari na makapagsalita.