Sapagkat masdan, hindi niya sinunod ang mga kautusan ng Diyos, [i]2760[/i] kundi lumakad siya alinsunod sa mga naisin ng kanyang puso. At marami siyang asawa at kalunya. At pinapangyari niya na ang kanyang mga tao ay magkasala, at gawin yaong karumal-dumal sa paningin ng Panginoon. Oo, at gumawa sila ng mga pagpapatutot at lahat ng uri ng kasamaan. [i]1442[/i]
At nagpataw siya ng buwis na ikalimang bahagi ng lahat ng kanilang pag-aari, ikalimang bahagi ng kanilang ginto at ng kanilang pilak, at ikalimang bahagi ng kanilang zif, at ng kanilang tumbaga, at ng kanilang tanso at kanilang bakal; at ikalimang bahagi ng kanilang mga patabain; at ikalimang bahagi rin ng lahat ng kanilang butil. [i]1443[/i] At ang lahat ng ito ay kinamkam niya upang maitustos sa kanyang sarili, [i]2761[/i] at sa kanyang mga asawa at sa kanyang mga kalunya; at sa kanya ring mga saserdote, at sa kanilang mga asawa at sa kanilang mga kalunya; at sa gayon niya pinalitan ang mga pamamalakad ng kaharian.
Sapagkat inalis niya ang lahat ng saserdoteng itinalaga ng kanyang ama, at nagtalaga ng mga bago na kanilang kahalili, [i]2763[/i] mga yaong iniangat sa kapalaluan ng kanilang mga puso. Oo, at sa gayon sila tinutustusan sa kanilang katamaran, [i]1444[/i] at sa kanilang pagsamba sa mga diyus-diyusan, at sa kanilang mga pagpapatutot, sa pamamagitan ng mga buwis na ipinataw ni haring Noe sa kanyang mga tao; sa gayon ang mga tao ay nagpagal upang matustusan ang kasamaan. [i]2432[/i] Oo, at sumamba rin sila sa mga diyus-diyusan, dahil sa nalinlang sila ng mga walang kabuluhan at mapanghibok na salita ng hari at mga saserdote; sapagkat nangusap sila ng mga mapanghibok na salita sa kanila.
At ito ay nangyari na, na nagtayo si haring Noe ng maraming marangya at maluwang na gusali; [i]2764[/i] at pinalamutian niya ang mga ito ng mahuhusay na yaring kahoy, at lahat ng uri ng mahahalagang bagay, ng ginto, at ng pilak, at ng bakal, at ng tanso, at ng zif, at ng tumbaga; At nagpatayo rin siya para sa kanyang sarili ng isang maluwang na palasyo, at isang trono sa gitna niyon, [i]1445[/i] ang lahat ng ito ay yari sa mahusay na kahoy at pinalamutian ng ginto at pilak at ng mahahalagang bagay. At pinapangyari rin niya na ang kanyang mga manggagawa ay gumawa ng lahat ng uri ng mahuhusay na kayarian sa loob ng dingding ng templo, ng mahusay na kahoy, at ng tumbaga, at ng tanso.
At ang mga luklukang inilaan para sa kanyang matataas na saserdote, na mataas sa lahat ng ibang mga luklukan, ay kanyang pinalamutian ng lantay na ginto; at pinapangyari niyang magtayo ng isang dantayan, upang kanilang maipahinga ang kanilang mga katawan at kanilang mga bisig habang nangungusap sila ng mga kasinungalingan at walang kabuluhang salita sa kanyang mga tao. [i]1446[/i]
At ito ay nangyari na, na inilagak niya ang kanyang puso sa kanyang mga kayamanan, at ginugol niya ang kanyang panahon sa magulong pamumuhay kasama ng kanyang mga asawa at kanyang mga kalunya; [i]2762[/i] at gayon din, ang kanyang mga saserdote ay iginugol ang kanilang panahon sa mga patutot. At ito ay nangyari na, na nagtanim siya ng mga ubasan sa paligid ng lupain; at nagtayo siya ng mga pisaan ng ubas, at gumawa ng maraming alak; [i]2434[/i] at samakatwid, naging manlalango siya, at gayon din ang kanyang mga tao. [i]1447[/i]