Mosiah 11:16–17

At ito ay nangyari na, na ang mga Lamanita ay nagsimulang sumalakay sa kanyang mga tao, sa maliliit na bilang, at patayin sila sa kanilang mga bukirin, at habang ipinapastol nila ang kanilang mga kawan. At nagpadala si haring Noe ng mga bantay sa paligid ng lupain upang hindi sila makapasok; [i]2435[/i] subalit hindi sapat ang bilang ng kanyang ipinadala, at sinalakay sila ng mga Lamanita at pinatay sila, at itinaboy ang marami sa kanilang mga kawan papalabas ng lupain; sa ganito sila nagsimulang lipulin ng mga Lamanita, at ipalasap ang kanilang pagkapoot sa kanila.

From section: Ang Paghahari ni Noah

From page: Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Commentary