Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Ang Pagkubkob ng Mga Lamanita

Mosiah 19:6

Mula sa tuktok ng tore, nakita ni Noa ang mga Lamanita na parating sa lungsod upang sumalakay.

...at iginala ng hari ang kanyang mga paningin sa paligid sa may dakong lupain ng Semlon, at masdan, nasa mga hangganan na ng lupain ang hukbo ng mga Lamanita.

Mosiah 19:7–8

Si Noa ay nagmakaawa ay Gideon na huwag siyang patayin, para makapag-utos siya ng pagdepensa bilang tugon sa nalalapit na pagsalakay ng mga Lamanita, si Gideon ay sumang-ayon.

At ngayon ang hari ay nagsumamo sa pagdadalamhati ng kanyang kaluluwa, sinasabing:

Gedeon, kaawaan ako, sapagkat ang mga Lamanita ay sumasalakay sa atin,
at kanila tayong lilipulin; oo, lilipulin nila ang aking mga tao.

At ngayon, ang hari ay hindi gaanong nagpapahalaga sa kanyang mga tao na tulad ng pagpapahalaga niya sa kanyang sariling buhay; gayon pa man, hindi kinitil ni Gedeon ang kanyang buhay.

Mosiah 19:9

Si Noa ay nanguna sa isang biglaang paglikas sa lungsod para sa lahat ng mga mamamayan.

At inutusan ng hari ang mga tao na magsitakas mula sa mga Lamanita, at siya na rin ang nanguna sa kanila, at tumakas sila patungo sa ilang, kasama ang kanilang kababaihan at ang kanilang mga anak.

Mosiah 19:10

Hindi naging napakabilis ng paglikas, nakaabot ang mga Lamanita, at nagsimulang pagpapatayin ang mga tao.

At ito ay nangyari na, na tinugis sila ng mga Lamanita, at inabutan sila, at nagsimulang patayin sila.

Mosiah 19:11

Si Noa ay nag-utos sa mga kalalakihan na iwan ang kanilang mga asawa at mga anak at tumakbo para sa kanilang buhay.

Ngayon ito ay nangyari na, na ang hari ay nag-utos sa kanila na ang lahat ng lalaki ay nararapat iwanan ang kanilang mga asawa at kanilang mga anak, at magsitakas sa harapan ng mga Lamanita.

Mosiah 19:12

Ang ilang kalalakihan ay sumunod sa utos at tumakas, ang ilan ay tumangging iwan ang kanilang pamilya at sumuko sa mga Lamanita.

Ngayon, marami ang tumangging iwanan sila, kundi minabuting manatili at masawing kasama nila. At iniwanan ng mga nalalabi ang kanilang mga asawa at kanilang mga anak at nagsitakas.

Mosiah 19:13

Sila na mga naiwan ay ginamit ang kanilang mga anak na babae upang himukin ang mga mandirigmang Lamanita na tumigil.

At ito ay nangyari na, na yaong mga nanatiling kasama ang kanilang mga asawa at kanilang mga anak ay inutusan ang kanilang magagandang anak na babae na humarap at magmakaawa sa mga Lamanita na huwag silang patayin.

Mosiah 19:14

Ang plano matagumpay, at ang pagsalakay ay tumigil.

At ito ay nangyari na, na ang mga Lamanita ay nahabag sa kanila, sapagkat sila ay nahalina sa kagandahan ng kababaihan nila.

Mosiah 19:15

Sa halip na pagkalipol, ang mga Lamanita ay nagpataw ng 50% na buwis sa mga tao.

Kaya nga, ang mga buhay nila ay hindi kinitil ng mga Lamanita, at dinala silang mga bihag at ibinalik sila sa lupain ng Nephi, at pinahintulutan sila na maangkin nila ang lupain, sa ilalim ng kasunduan na kanilang ibibigay si haring Noe sa mga kamay ng mga Lamanita, at ibigay ang kanilang mga ari-arian maging kalahati ng lahat ng kanilang pag-aari, kalahati ng kanilang ginto, at kanilang pilak, at lahat ng kanilang mahahalagang bagay, at sa gayon nararapat na magbayad sila ng buwis sa hari ng mga Lamanita taun-taon.

Mosiah 19:18

Si Gideon ay nagpadala ng pangkat ng mananaliksik upang hanapin ang mga yaong lumisan kasama ni Noa.

At ito ay nangyari na, na si Gedeon ay lihim na nagpadala ng mga tauhan sa ilang, upang hanapin ang hari at yaong mga kasama niya.

Mosiah 19:18, 22

Natagpuan nila ang mga taong lumisan, maliban kay Noa at ang kanyang mga saserdote.

At ito ay nangyari na, na nakasalubong nila sa ilang ang mga tao, lahat maliban sa hari at sa kanyang mga saserdote.


At ito ay nangyari na, na sila ay nakahanda nang bumalik sa lupain ng Nephi, at nakasalubong nila ang mga tauhan ni Gedeon.

Mosiah 19:22–24

Ang dalawang pangkat ay nagsabi sa bawat isa ng kanilang kuwento.

At ipinaalam sa kanila ng mga tauhan ni Gedeon ang lahat ng nangyari sa kanilang mga asawa at kanilang mga anak; at na ang mga Lamanita ay nagpahintulot sa kanila na maangkin nila ang lupain sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis sa mga Lamanita ng kalahati ng kanilang mga pag-aari. At sinabi ng mga tao sa mga tauhan ni Gedeon na kanilang pinatay ang hari, at ang kanyang mga saserdote ay nagsitakas mula sa kanila papalayo sa ilang.... at sinabi nila kay Gedeon kung ano ang kanilang ginawa sa hari.

Mosiah 19:24

Sila ay bumalik sa lupain ng Nephi.

At ito ay nangyari na, na matapos nilang tapusin ang pagdiriwang, na nagbalik sila sa lupain ng Nephi, na nagsasaya, sapagkat ang kanilang mga asawa at kanilang mga anak ay hindi napatay; at sinabi nila kay Gedeon kung ano ang kanilang ginawa sa hari.

Mosiah 19:16–17

Si Limhi, at isa sa mga anak ni Noa, ay kasama sa mga tao.

At ngayon, may isang anak na lalaki ang hari na nakasama sa mga yaong nadalang bihag, na ang pangalan ay Limhi. At ngayon ninais ni Limhi na ang kanyang ama ay hindi mamatay; gayon pa man, hindi kaila kay Limhi ang mga kasamaan ng kanyang ama, siya rin na isang makatarungang lalaki.

Mosiah 19:24–26

Si Limhi ay umangat bilang isang hari sa ilalim ng kasunduang itinalaga ng mga Lamanita.

At ito ay nangyari na, na matapos nilang tapusin ang pagdiriwang, na nagbalik sila sa lupain ng Nephi, na nagsasaya, sapagkat ang kanilang mga asawa at kanilang mga anak ay hindi napatay; at sinabi nila kay Gedeon kung ano ang kanilang ginawa sa hari. At ito ay nangyari na, na ang hari ng mga Lamanita ay nanumpa sa kanila, na hindi sila papatayin ng kanyang mga tao. At gayon din si Limhi, na siyang anak ng hari, na ginawaran ng kaharian ng mga tao, ay nanumpa sa hari ng mga Lamanita na ang kanyang mga tao ay magbabayad ng buwis sa kanya, maging kalahati ng lahat ng kanilang pag-aari.

Mosiah 19:28

Sa pagsisikap na mapanatili ang mga tao ni Limhi, ang mga Lamanita ay nagpatupad ng mahigpit na batas, na nagpipigil sa anumang pagtakas o paghihimagsik.

At ang hari ng mga Lamanita ay naglagay ng mga bantay sa palibot ng lupain, upang kanyang mapanatili ang mga tao ni Limhi sa lupain, upang hindi sila makalisan patungong ilang; at tinustusan niya ang kanyang mga bantay mula sa buwis na tinatanggap niya mula sa mga Nephita.

Mosiah 19:27, 29

Dalawang taon ang lumipas sa kapayapaan sa ilalim ng mga ganitong kalagayan.

At ito ay nangyari na, na sinimulang patatagin ni Limhi ang kaharian at ipalaganap ang kapayapaan sa kanyang mga tao.


At ngayon si haring Limhi ay nagkaroon ng patuloy na kapayapaan sa kanyang kaharian sa loob ng dalawang taon, na hindi sila niligalig ng mga Lamanita, ni hinangad na lipulin sila.