Mosiah 19:24–26

At ito ay nangyari na, na matapos nilang tapusin ang pagdiriwang, na nagbalik sila sa lupain ng Nephi, na nagsasaya, sapagkat ang kanilang mga asawa at kanilang mga anak ay hindi napatay; [i]2466[/i] at sinabi nila kay Gedeon kung ano ang kanilang ginawa sa hari. At ito ay nangyari na, na ang hari ng mga Lamanita ay nanumpa sa kanila, na hindi sila papatayin ng kanyang mga tao. At gayon din si Limhi, na siyang anak ng hari, na ginawaran ng kaharian ng mga tao, [i]1469[/i] ay nanumpa sa hari ng mga Lamanita na ang kanyang mga tao ay magbabayad ng buwis sa kanya, maging kalahati ng lahat ng kanilang pag-aari.

From section: Ang Pagkubkob ng Mga Lamanita

From page: Ang Muling Pagsakop sa Lupain ng Nephi

Commentary