Ngayon, ang mga tao ng mga Zoramita ay nagalit sa mga tao ni Ammon na nasa Jerson, at ang punong tagapamahala ng mga Zoramita, sapagkat napakasamang tao, ay nagpasabi sa mga tao ni Ammon na hinihiling sa kanila na itaboy nilang palabas ng kanilang lupain ang lahat ng yaong nagtungo sa kanilang lupain mula sa kanila.
At nangusap siya ng maraming pananakot laban sa kanila. At ngayon, ang mga tao ni Ammon ay hindi natakot sa kanilang mga salita; anupa’t hindi nila sila itinaboy palabas, bagkus ay tinanggap nila ang lahat ng maralita ng mga Zoramita na nagtungo sa kanila; at inalagaan sila, at dinamitan sila, at binigyan sila ng mga lupain na kanilang mana; at kanilang pinaglingkuran sila alinsunod sa kanilang mga kakulangan. [i]1588[/i]