Ngayon, si Alma, nagdadalamhati dahil sa kasamaan ng kanyang mga tao, oo, dahil sa mga digmaan, at sa mga pagdanak ng dugo, at sa mga alitan na nasa kanila; at matapos na maipahayag ang salita, o nagpasiyang ipahayag ang salita, sa lahat ng tao sa lahat ng lunsod; at nakikitang ang mga puso ng mga tao ay nagsimulang maging matitigas, at na nagsimula silang magdamdam dahil sa kahigpitan ng salita, na ang kanyang puso ay labis na nalungkot.