Samakatwid, nalalaman ng mga tao ng mga Nephita ang layunin ng mga Amlicita, at kaya nga, sila ay naghanda na harapin sila; oo, sinandatahan nila ang kanilang sarili ng mga espada, at ng mga simitar, at ng mga busog, at ng mga palaso, [i]2532[/i] at ng mga bato, at ng mga tirador, at ng lahat ng uri ng sandata ng digmaan, bawat uri nito. [i]1576[/i]
At sa gayon sila nakahandang harapin ang mga Amlicita sa panahon ng kanilang pagdating. At may hinirang na mga kapitan, at nakatataas na kapitan, at punong kapitan alinsunod sa kanilang bilang.