Gayon pa man, pinalakas ng Panginoon ang kamay ng mga Nephita, kung kaya’t napatay nila ang mga Amlicita ng masidhing pagkatay, kung kaya’t nagsimula silang magsitakas sa kanilang harapan. At ito ay nangyari na, na tinugis ng mga Nephita ang mga Amlicita nang buong araw na yaon, at pinatay sila nang may labis na pagkatay, kung kaya nga’t may napatay sa mga Amlicita na labindalawang libo limangdaan tatlumpu at dalawang katao; at may napatay sa mga Nephita na anim na libo limangdaan animnapu at dalawang katao.