At ito ay nangyari na, na ang tinig ng mga tao ay nagpahayag, sinasabing:
Masdan, lilisanin namin ang lupain ng Jerson, na nasa silangang dagat, na nagdurugtong sa lupaing Masagana, na nasa timog ng lupaing Masagana; at ang lupaing ito ng Jerson ang lupaing ipagkakaloob namin sa aming mga kapatid bilang isang mana. [i]1585[/i]
At masdan, itatalaga namin ang aming mga hukbo sa pagitan ng lupaing Jerson at lupaing Nephi, upang mapangalagaan namin ang aming mga kapatid sa lupaing Jerson; at ito ay gagawin namin para sa aming mga kapatid, dahil sa kanilang takot na humawak ng mga sandata laban sa kanilang mga kapatid na baka sila ay makagawa ng kasalanan; at ang malaking takot na ito ay nadama dahil sa kanilang labis na pagsisisi, dahil sa marami nilang pagpaslang at kanilang kakila-kilabot na kasamaan.
At ngayon masdan, ito ay gagawin namin para sa aming mga kapatid, upang mamana nila ang lupaing Jerson; at babantayan namin sila ng aming mga hukbo mula sa kanilang mga kaaway, [i]2937[/i] kung bibigyan nila kami ng isang bahagi ng kanilang mga kabuhayan upang tulungan kaming matustusan namin ang aming mga hukbo.