Ang Zarahemla sa Ilalim ng Pamumunong Nauukol sa Hukuman

Mga Turo ni Alma sa Kanyang Mga Anak na Lalaki

Alma 35:16

tinipon ni Alma ang kanyang mga anak sa pagnanais na makausap sila tungkol sa mga bagay na nauukol sa katwiran.

Samakatwid, kanyang pinapangyaring sama-samang tipunin ang kanyang mga anak na lalaki, upang maibigay niya sa bawat isa sa kanila ang kani-kanyang tungkulin, nang magkakahiwalay, hinggil sa mga bagay na nauukol sa kabutihan. At kami ay may ulat ng kanyang mga kautusan, na ibinigay niya sa kanila ayon sa kanyang sariling talaan.

Alma 43:1–2

Si Alma at kanyang mga anak na lalaki ay nagpatuloy sa pangangaral.

At ngayon ito ay nangyari na, na ang mga anak ni Alma ay humayo sa mga tao, upang ipahayag ang salita sa kanila. At si Alma rin naman ay di magawang magpahinga, at siya ay humayo rin. Ngayon hindi na kami mangungusap pa hinggil sa kanilang pangangaral, maliban sa ipinangaral nila ang salita, at ang katotohanan, alinsunod sa diwa ng propesiya at paghahayag; at sila ay nangaral alinsunod sa banal na orden ng Diyos kung saan sila tinawag.