At ngayon ito ay nangyari na, na ang mga anak ni Alma ay humayo sa mga tao, upang ipahayag ang salita sa kanila. At si Alma rin naman ay di magawang magpahinga, at siya ay humayo rin. Ngayon hindi na kami mangungusap pa hinggil sa kanilang pangangaral, maliban sa ipinangaral nila ang salita, at ang katotohanan, alinsunod sa diwa ng propesiya at paghahayag; at sila ay nangaral alinsunod sa banal na orden ng Diyos kung saan sila tinawag. [i]1590[/i]