At gayon din si Zisrom ay may karamdaman sa Sidom, inaapoy ng lagnat, sanhi ng labis na mga paghihirap ng kanyang isipan dahil sa kasamaan niya, sapagkat inakala niyang wala na sina Alma at Amulek; at inakala niyang sila’y napatay dahil sa kanyang kasamaan. At ang malaking kasalanang ito, at marami sa iba pa niyang mga kasalanan ay nagpapahirap sa kanyang isipan hanggang sa ito’y maging napakasidhi, na walang pagkakahango; sa gayong dahilan siya ay nagsimulang mapaso ng nag-aapoy na init. [i]2585[/i]