Alma 8:16–17

At masdan, ako ay isinugo upang utusan kang bumalik sa lunsod ng Ammonihas, at muling mangaral sa mga tao ng lunsod; oo, mangaral sa kanila. Oo, sabihin sa kanila, maliban kung sila ay magsisisi ang Panginoong Diyos ay lilipulin sila.

Sapagkat masdan, sila ay nagbabalak sa panahong ito upang mawasak nila ang kalayaan ng iyong mga tao, (sapagkat gayon ang wika ng Panginoon) na salungat sa mga batas, at kahatulan, at kautusang ibinigay niya sa kanyang mga tao.

From section: Pagbisita ng Anghel

From page: Ang Ministeryo ni Alma sa Ammonihah

Commentary