[Alma 11:39–46] Pagkakaisa ng katawan at kaluluwa

Ngayon, masdan, sinabi ko sa inyo ang hinggil sa kamatayan ng katawang-lupa, at gayundin ang pagkabuhay na mag-uli ng katawang-lupa. Sinasabi ko sa inyo na ang katawang-lupang ito ay babangon sa isang walang kamatayang katawan, ibig sabihin mula sa kamatayan, maging mula sa unang kamatayan tungo sa pagkabuhay, upang sila ay hindi na mamatay muli; ang kanilang mga espiritu ay sasamang muli sa kanilang mga katawan, at hindi na maghihiwalay pa kailanman; sa gayon, sa kabuuan ay magiging espirituwal at walang kamatayan upang sila ay hindi na muling makakita pa ng kabulukan.

From section: Palitan sa Pagitan ni Amulek at Zesrom

From page: Ang Ministeryo ni Alma sa Ammonihah

Commentary