Ang Mga Salita ni Alma sa Antionah at sa Mga tao

Melquisedec

Alma 13:13

Magpakumbaba ng inyong mga sarili at magsisi, nang kayo ay makapasok sa kapahingahan ng Diyos.

At ngayon, mga kapatid ko, nais kong kayo ay magpakumbaba ng inyong sarili sa harapan ng Diyos, at mamunga ng bunga na karapat-dapat sa pagsisisi, upang kayo rin ay makapasok sa kapahingahang yaon.

Alma 13:14

Magpakumbaba ng inyong mga sarili tulad ng mga tao ng panahon ni Melquisedec, na siya ring saserdote alinsunod sa orden ng Diyos.

Oo, magpakumbaba kayo sa inyong sarili maging tulad ng mga tao noong mga araw ni Melquisedec, na isa ring mataas na saserdote alinsunod sa yaon ding orden na aking sinabi, na tinaglay rin sa kanyang sarili ang mataas na pagkasaserdote magpakailanman.

Alma 13:15

Ang Melquisedec na ito ay nakatanggap ng ikapu mula kay Abraham.

At sa ito ring Melquisedec na ito kung kanino nagbayad si Abraham ng ikasampung bahagi; oo, maging ang ating amang si Abraham ay nagbayad ng ikasampung bahagi ng lahat ng kanyang pag-aari.

Alma 13:16

Ang mga ordinansa ay ibinigay bilang isang kahalintulad ng Anak ng Diyos at ang kanyang orden, nang ang tao ay umasa sa pagpapatawad ng mga kasalanan at sa kapahingahan ng Panginoon.

Ngayon, ang mga ordenansang ito ay ibinigay alinsunod sa pamamaraang ito, nang sa gayon ang mga tao ay umasa sa Anak ng Diyos, ito na isang sagisag ng kanyang orden, o bilang kanyang orden, at ito ay upang umasa sila sa kanya para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, upang sila ay makapasok sa kapahingahan ng Panginoon.

Alma 13:17

Si Melquisedec ay hari ng mga tao na nangaligaw ng landas.

Ngayon, itong si Melquisedec ay isang hari sa lupain ng Salem; at ang kanyang mga tao ay naging malakas sa kasamaan at karumal-dumal na gawain; oo, silang lahat ay nangaligaw; sila ay napuspos ng lahat ng uri ng kasamaan;

Alma 13:18

Si Melquisedec ay nagturo ng pagsisisi, nakapagtaguyod ng kapayapaan at tinawag na prinsipe ng kapayapaan.

Subalit si Melquisedec na pinairal ang malakas na pananampalataya, at tumanggap ng tungkulin ng mataas na pagkasaserdote alinsunod sa banal na orden ng Diyos, ay nangaral ng pagsisisi sa kanyang mga tao. At masdan, sila ay nagsisi; at naitatag ni Melquisedec ang kapayapaan sa lupain noong kanyang mga araw; kaya nga, siya ay tinawag na prinsipe ng kapayapaan, sapagkat siya ang hari ng Salem; at siya ay namahala sa ilalim ng kanyang ama.

Alma 13:19

Maraming mga saserdote bago at pagkatapos ni Melquisedec, subalit wala ang nakahihigit sa kanya.

Ngayon, marami na ang nauna sa kanya, at gayon din marami pa ang sumunod, subalit walang kasingdakila; anupa’t tungkol sa kanya, sila ay higit na maraming binabanggit.

Alma 13:20

Ang mga banal na kasulatan ay naglalaman ng mga nalalabi sa mga ulat tungkol kay Melquisedec.

Ngayon hindi ko na kailangan pang ulitin ang bagay na ito; ano man ang nasabi ko na ay makasasapat na. Masdan, ang mga banal na kasulatan ay nasa inyong harapan; kung kayo ay sasalungat sa mga ito, yaon ay tungo sa inyong pagkalipol.