Ang Mga Salita ni Alma sa Antionah at sa Mga tao

Ang Pagkahulog ng Tao

Alma 12:22
Ipinaliwanag ni Alma na ang sangkatauhan ay mga nangaligaw at mga nangahulog na mga tao dahil sa pagkain ni Adan sa ipinagbabawal na bunga.
Alma 12:23
Kung si Adan ay kumain ng bunga ng punongkahoy ng buhay matapos ng pagkahulog, siya sana ay naging imortal; at mapapawalang-saysay nito ang salita ng Diyos.
Alma 12:23
Ang sangkatauhan ay naging may kamatayan, na may panahong inilaan upang magsisi.
Alma 12:24
Ang buhay na ito ay isang kalagayan ng pagsubok upang ihanda tayo na harapin ang Diyos, at maghanda para sa buhay na walang hanggan.

Ang Plano ng Pagtubos

Alma 12:25
Ang plano ng pagtubos ay pinapangyari ang pagkabuhay na mag-uli ng mga patay.
Alma 12:26
Ipagpalagay natin na si Adan ay nakakain ng bunga ng puno ng buhay, sila ay mananatili sa kalagayan ng pagsubok, at ang plano ng pagtubos ay mahahadlangan.
Alma 12:27
Ang kamatayan ay naging mahalagang bahagi ng plano; at ang kamatayan ay sinusundan ng paghuhukom.
Alma 12:28–29
Ang Diyos ay nagpadala ng mga anghel sa mga tao upang makita nila ang kaluwalhatian ng Diyos at malaman ang mga bagay na itinakda ng Diyos.
Alma 12:30
Magmula noon, ang mga tao ay nagsimulang manawagan sa pangalan ng Diyos, at itinuro ng Diyos ang plano ng pagtubos sa mga tao sa pamamagitan ng pakikipagusap sa kanila.
Alma 12:31
Ang Diyos ay nagbibigay ng kautusan sa sangkatauhan, na nakatanggap ng kakayahang makilala ang mabuti at masama.
Alma 12:32
Ipinagbabawal ng kautusan ang paggawa ng masama, at ang kaparusahan sa paggawa ng masama ay ikalawang kamatayan (pagkawalay mula sa kabutihan) na nagpapasawalang-bisa sa kapangyarihan ng pagtubos.
Alma 12:33–34
Sila na mga nagsisisi, at nakatanggap ng awa sa pamamagitan ng Bugtong na Anak ng Diyos ay makatatanggap ng kapatawaran sa mga kasalanan, lahat ng iba ay hindi.
Alma 12:36
Ang pagpapatigas ng inyong mga puso ay magdadala sa pagkawasak ng inyong mga kaluluwa, kabilang ang ikalawang kamatayan.
Alma 12:37
Tayo na’t magsisi, huwag patigasin ang ating mga puso, at pumasok sa kapahingahan ng Diyos.

Saserdote Alinsunod sa Banal na Orden

Alma 13:1–2
Ang Panginoon ay nagordena ng mga saserdote alinsunod sa Anak ng Diyos upang malaman ng mga tao kung paano aasa tungo sa pagtubos.
Alma 13:3
Ang mga saserdote ay inordenan mula pa sa pagkakatatag ng daigdig, at tinawag dahil sa kanilang pananampalataya at kabutihan matapos na hayaang makapamili.
Alma 13:4
Ang iba ay tinanggihan ang Espiritu ng Diyos at pinatigas ang kanilang mga puso, sa gayon ay naging hindi karapat-dapat sa parehong katawagang ito.
Alma 13:5
Ang bawat isa ay nagsimula sa parehong katayuan, subalit tanging ang mga yaon na hindi pinatigas ang kanilang mga puso at namuhay sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ang tinawag.
Alma 13:6
Sila na mga inordenan ay tinawag upang magturo ng mga kautusan sa mga tao, upang sila ay makapasok sa kapahingahan ng Diyos.
Alma 13:7
Ang mataas na pagkasaserdote ay alinsunod sa orden ng Anak ng Diyos, at inihanda ayon sa walang hanggang kaalaman ng Diyos.
Alma 13:8
Ang mga saserdote ay tinawag at inordenan sa pamamagitan ng isang banal na ordinansa, kung gayon ay dinadala sa kanilang mga sarili ang walang hanggang pagkasaserdote.
Alma 13:9
Sa pamamagitan ng ordinansang ito, sila ay naging mga mataas na saserdote magpakailanman, alinsunod sa orden ng walang hanggang Anak ng Diyos, na puspos ng biyaya, katarungan, at katotohanan.
Alma 13:10
Ang pananampalataya, pagsisisi, at katuwiran ay ibinibilang sa mga yaong inordenan na maging matataas na saserdote ng diyos.
Alma 13:11
Ang mga saserdote ay tinawag, pinabanal, at pinadalisay.
Alma 13:12
Bilang mga napabanal at napadalisay, kinasusuklaman ng mga saserdote ang kasalanan at pumapasok sa kapahingahan ng Panginoon.

Melquisedec

Alma 13:13
Magpakumbaba ng inyong mga sarili at magsisi, nang kayo ay makapasok sa kapahingahan ng Diyos.
Alma 13:14
Magpakumbaba ng inyong mga sarili tulad ng mga tao ng panahon ni Melquisedec, na siya ring saserdote alinsunod sa orden ng Diyos.
Alma 13:15
Ang Melquisedec na ito ay nakatanggap ng ikapu mula kay Abraham.
Alma 13:16
Ang mga ordinansa ay ibinigay bilang isang kahalintulad ng Anak ng Diyos at ang kanyang orden, nang ang tao ay umasa sa pagpapatawad ng mga kasalanan at sa kapahingahan ng Panginoon.
Alma 13:17
Si Melquisedec ay hari ng mga tao na nangaligaw ng landas.
Alma 13:18
Si Melquisedec ay nagturo ng pagsisisi, nakapagtaguyod ng kapayapaan at tinawag na prinsipe ng kapayapaan.
Alma 13:19
Maraming mga saserdote bago at pagkatapos ni Melquisedec, subalit wala ang nakahihigit sa kanya.
Alma 13:20
Ang mga banal na kasulatan ay naglalaman ng mga nalalabi sa mga ulat tungkol kay Melquisedec.

Ang Araw ng Kaligtasan

Alma 13:21
Ibinaling ni Alma ang kanyang mga salita sa mas maraming tagapakinig, at nagsalita ng may malakas na tinig.
Alma 13:21–22
Ngayon ang panahon upang magsisi, ang mga anghel ay naghahayag na ang araw ng kaligtasan ay papalapit na.
Alma 13:23
Tayo ay pinagpala na magkaroon ng mga nakalulugod na mga balitang ito na inihayag sa atin ng napakalinaw.
Alma 13:24
Ang mga anghel ay naghahayag ng mga bagay na ito sa maraming mga tao upang ihanda ang kanilang mga puso sa pagdating ng Panginoon.
Alma 13:25
Tayo ay naghihintay na marinig ang pagparito ni Cristo mula sa mga anghel, nasaan man ang mga ito.
Alma 13:26
Ang mga inspiradong banal na mga tao ay maghahayag ng pagparito ng Panginoon kapag ito ay mangyari.

Ang Pagsisisi ay Ipinagkaloob

Alma 13:27
Huwag ipagpaliban ang inyong pagsisisi, sa halip ay makinig sa aking mga salita at isantabi ang inyong mga kasalanan.
Alma 13:28
Magpakumbaba ng inyong mga sarili, tumawag sa Kanyang pangalan, at maakay at mabago sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
Alma 13:29
Magkaroon ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig, nang kayo ay dakilain sa kapahingahan ng Diyos.
Alma 13:30
Mangyari sanang ipagkaloob ng panginoon sa inyo ang pagsisisi, upang hindi ninyo pagdusahan ang ikalawang kamatayan.