Ang Mga Salita ni Alma sa Antionah at sa Mga tao

Ang Araw ng Kaligtasan

Alma 13:21

Ibinaling ni Alma ang kanyang mga salita sa mas maraming tagapakinig, at nagsalita ng may malakas na tinig.

At ngayon ito ay nangyari na, nang sabihin ni Alma ang mga salitang ito sa kanila, ay iniunat niya ang kanyang kamay sa kanila at sumigaw sa malakas na tinig, sinasabing:

Alma 13:21–22

Ngayon ang panahon upang magsisi, ang mga anghel ay naghahayag na ang araw ng kaligtasan ay papalapit na.

Ngayon na ang panahon upang magsisi, sapagkat ang araw ng kaligtasan ay nalalapit na; Oo, at ang tinig ng Panginoon, sa pamamagitan ng bibig ng mga anghel, ay ipinahahayag ito sa lahat ng bansa; oo, ipinahahayag ito, upang sila ay magkaroon ng masayang balita ng labis na kagalakan; oo, at kanilang ipinarating ang masasayang balitang ito sa lahat ng kanyang mga tao, oo, maging sa kanila na malawakang nakakalat sa balat ng lupa; kaya nga, sila ay nagpahayag sa amin.

Alma 13:23

Tayo ay pinagpala na magkaroon ng mga nakalulugod na mga balitang ito na inihayag sa atin ng napakalinaw.

At ipinaalam nila sa amin sa malinaw na pananalita, upang kami ay makaunawa, upang kami ay hindi magkamali; at ito ay dahil sa ating pagiging mga palaboy sa isang di kilalang lupain; kaya nga, sa gayon tayo labis na pinagpala, sapagkat nasa atin ang masasayang balitang ito na ipinahayag sa atin sa lahat ng dako ng ating ubasan.

Alma 13:24

Ang mga anghel ay naghahayag ng mga bagay na ito sa maraming mga tao upang ihanda ang kanilang mga puso sa pagdating ng Panginoon.

Sapagkat masdan, ang mga anghel ay ipinahahayag ito sa marami sa panahong ito sa ating lupain; at ito ay para sa layuning maihanda ang mga puso ng mga anak ng tao na tanggapin ang kanyang salita sa panahon ng kanyang pagparito sa kanyang kaluwalhatian.

Alma 13:25

Tayo ay naghihintay na marinig ang pagparito ni Cristo mula sa mga anghel, nasaan man ang mga ito.

At ngayon, tayo ay naghihintay lamang na marinig ang mga balita ng kagalakan na ipinahayag sa atin ng bibig ng mga anghel, tungkol sa kanyang pagparito; sapagkat darating ang panahon, hindi namin nalalaman kung gaano kadali. Ang samo sa Diyos na ito nawa’y sa aking araw; subalit hayaan ito sa malao’t madali, dito ako’y magagalak.

Alma 13:26

Ang mga inspiradong banal na mga tao ay maghahayag ng pagparito ng Panginoon kapag ito ay mangyari.

At ito ay gagawing ipaalam sa makatarungan at mga banal na tao, ng bibig ng mga anghel, sa panahon ng kanyang pagparito, upang ang mga salita ng ating mga ama ay matupad, alinsunod sa yaong kanilang sinabi hinggil sa kanya, na alinsunod sa diwa ng propesiya na nasa kanila.