At ito ang pamamaraan kung paano sila inordenan— [i]2566[/i] tinawag at inihanda mula pa sa pagkakatatag ng daigdig alinsunod sa kaalaman ng Diyos sa mula’t mula pa, dahil sa kanilang labis na pananampalataya at mabubuting gawa; sa simula pa ay hinayaang mamili sa mabuti o masama; kaya nga, sila na pumili ng mabuti, at nagpapairal ng labis na pananampalataya, ay tinatawag sa banal na tungkulin, oo, sa yaong banal na tungkulin na inihanda lakip, at naaayon sa, isang panimulang pagtubos na nauukol doon.