Datapwat ang Diyos ay nanawagan sa mga tao, sa pangalan ng kanyang Anak, (ito bilang plano ng pagtubos na inilatag) sinasabing:
Kung kayo ay magsisisi, at hindi patitigasin ang inyong mga puso,
_sa gayon, ako ay maaawa sa inyo,
_sa pamamagitan ng aking Bugtong na Anak;
Kaya nga, ang sinumang magsisisi, at hindi patitigasin ang kanyang puso, siya ay magkakaroon ng pag-angkin sa awa sa pamamagitan ng aking Bugtong na Anak, sa ikapagpapatawad ng kanyang mga kasalanan; at sila ay papasok sa aking kapahingahan. At ang sinumang magpapatigas ng kanyang puso at gagawa ng kasamaan, masdan, isinusumpa ko sa aking kapootan na siya ay hindi makapapasok sa aking kapahingahan.