Ang Mga Salita ni Alma sa Antionah at sa Mga tao

Ang Pagsisisi ay Ipinagkaloob

Alma 13:27

Huwag ipagpaliban ang inyong pagsisisi, sa halip ay makinig sa aking mga salita at isantabi ang inyong mga kasalanan.

At ngayon, mga kapatid ko, hinihiling ko mula sa kaibuturan ng aking puso, oo, lakip ang labis na pagkabahala maging sa pasakit, na kayo ay makinig sa aking mga salita, at iwaksi ang inyong mga kasalanan, at huwag ipagpaliban ang araw ng inyong pagsisisi;

Alma 13:28

Magpakumbaba ng inyong mga sarili, tumawag sa Kanyang pangalan, at maakay at mabago sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Kundi ang kayo ay magpakumbaba ng inyong sarili sa harapan ng Panginoon, at manawagan sa kanyang banal na pangalan, at magbantay at patuloy na manalangin, upang kayo ay hindi matukso nang higit sa inyong makakaya, at sa gayon ay akayin ng Banal na Espiritu, magiging mapagpakumbaba, maamo, masunurin, mapagtiis, puspos ng pag-ibig at mahabang pagtitiis;

Alma 13:29

Magkaroon ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig, nang kayo ay dakilain sa kapahingahan ng Diyos.

May pananampalataya sa Panginoon; may pag-asa na kayo ay makatatanggap ng buhay na walang hanggan; may pag-ibig sa Diyos tuwina sa inyong mga puso, upang kayo ay dakilain sa huling araw at makapasok sa kanyang kapahingahan.

Alma 13:30

Mangyari sanang ipagkaloob ng panginoon sa inyo ang pagsisisi, upang hindi ninyo pagdusahan ang ikalawang kamatayan.

At nawa’y ipagkaloob sa inyo ng Panginoon ang pagsisisi, upang hindi ninyo madalang pababa ang kanyang poot sa inyo, upang kayo ay hindi maigapos pababa ng mga tanikala ng impiyerno, upang kayo ay hindi magdusa ng ikalawang kamatayan.