Ngunit kung ito ay sa kanyang pagkabuhay na mag-uli o pagkatapos, hindi ko masasabi; kundi ito lamang ang aking masasabi, na may isang agwat sa pagitan ng kamatayan at ng pagkabuhay na mag-uli ng katawan, at ang kalagayan ng kaluluwa sa kaligayahan o sa kalungkutan hanggang sa panahong itinakda ng Diyos na ang mga patay ay magbabangon, at muling magsasama kapwa ang kaluluwa at katawan, at dadalhin upang tumayo sa harapan ng Diyos, at hahatulan alinsunod sa kanilang mga gawa.