Alma 40:1–3

Ngayon, anak ko, narito ang ilan pa sa nais kong sabihin sa iyo; sapagkat nahihiwatigan ko na ang iyong isip ay nababahala hinggil sa pagkabuhay na mag-uli ng mga patay. Masdan, sinasabi ko sa iyo, na walang pagkabuhay na mag-uli—o, ang ibig kong sabihin, sa ibang salita, na ang may kamatayang buhay na ito ay hindi mabibihisan ng kawalang-kamatayan, ang may kabulukan ay hindi mabibihisan ng walang kabulukan—hanggang sa sumapit ang pagparito ni Cristo.

Masdan, kanyang pinapangyari ang pagkabuhay na mag-uli ng mga patay. [i]3099[/i] [i]1180[/i] Ngunit masdan, anak ko, ang pagkabuhay na mag-uli ay wala pa. Ngayon, ilalahad ko sa iyo ang isang hiwaga; gayunman, maraming hiwaga ang nakatago, at walang sinuman ang nakaaalam ng mga ito kundi ang Diyos lamang. Ngunit ipaaalam ko sa iyo ang isang bagay na masigasig kong itinanong sa Diyos upang aking malaman—yaon ay hinggil sa pagkabuhay na mag-uli.

From section: Ang Muling Pagkabuhay

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Corianton

Commentary