Subalit masdan,
ako ay nananalig na kayo ay wala sa kalagayan ng labis na kawalang-paniniwala
_na tulad ng inyong mga kapatid;
Ako ay nananalig na kayo ay hindi naiangat sa kapalaluan ng inyong mga puso;
Oo, ako ay nananalig na hindi ninyo inilagak ang inyong mga puso sa mga kayamanan
_at sa mga walang kabuluhang bagay ng sanlibutan;
Oo, ako ay nananalig na hindi kayo sumasamba sa mga diyus-diyusan,
_kundi sinasamba ninyo ang tunay at buhay na Diyos,
_at na kayo ay umaasa para sa kapatawaran ng iyong mga kasalanan,
_nang may walang hanggang pananampalataya,
_sa yaong darating.