Si Korihor ang Anti-Kristo

Ang Kamatayan ni Korihor sa Antionum

Alma 30:56

Si Korihor ay ipinatapon, at nagsimulang magbahay-bahay, namamalimos.

At ito ay nangyari na, na ang sumpa ay hindi naalis kay Korihor; kundi siya ay itinaboy, at nagpalibut-libot sa bahay-bahay na nanlilimos para sa kanyang pagkain.

Alma 30:57–58

Ang punong hukom ay nagpadala ng pahayag tungkol sa sinapit ni Korihor, at maraming tao ang higit na naging matapat.

Ngayon, ang kaalaman ng nangyari kay Korihor ay kaagad ipinahayag sa lahat ng dako ng buong lupain; oo, ang pahayag ay ipinadala ng punong hukom sa lahat ng tao sa lupain, ipinahahayag sa mga yaong naniwala sa mga salita ni Korihor na kailangang kaagad silang magsisi, na baka ang gayon ding kahatulan ay sapitin nila.

At ito ay nangyari na, na silang lahat ay napaniwala sa kasamaan ni Korihor; kung kaya’t silang lahat ay muling nagbalik-loob sa Panginoon; at winakasan nito ang kasamaan alinsunod sa pamamaraan ni Korihor.

Alma 30:58–59

Si Korihor ay nagpunta sa Antionum, ngunit napatay nang matapak-tapakan ng mga Zoramita.

At si Korihor ay nagpalibut-libot sa bahay-bahay, nagpapalimos ng pagkain para sa kanyang ikabubuhay. At ito ay nangyari na, habang siya ay humahalubilo sa mga tao, oo, sa mga taong inihiwalay ang kanilang sarili mula sa mga Nephita at tinawag ang kanilang sariling mga Zoramita, na pinamumunuan ng isang lalaking nagngangalang Zoram—at habang humahalubilo siya sa kanila, masdan, sinagasaan siya at niyapak-yapakan, maging hanggang sa mamatay siya.

Alma 30:60

Ito ay nagsilbing aral sa lahat ng mga lumalaban sa mga pamamaraan ng Diyos.

At sa gayon nakikita natin ang katapusan niya na nagliligaw ng mga landas ng Panginoon; at sa gayon nakikita nating hindi itataguyod ng diyablo ang kanyang mga anak sa huling araw, kundi kaagad silang hihilahing pababa sa impiyerno.