Alma 30:58–59

At si Korihor ay nagpalibut-libot sa bahay-bahay, nagpapalimos ng pagkain para sa kanyang ikabubuhay. At ito ay nangyari na, habang siya ay humahalubilo sa mga tao, oo, sa mga taong inihiwalay ang kanilang sarili mula sa mga Nephita at tinawag ang kanilang sariling mga Zoramita, na pinamumunuan ng isang lalaking nagngangalang Zoram—at habang humahalubilo siya sa kanila, masdan, sinagasaan siya at niyapak-yapakan, maging hanggang sa mamatay siya. [i]1111[/i] [i]1640[/i] [i]3076[/i]

From section: Ang Kamatayan ni Korihor sa Antionum

From page: Si Korihor ang Anti-Kristo

Commentary