Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Shiblon

Mga Paalala at Mga Tagubilin

Alma 38:9

Ipinaliwanag ni Alma na walang ibang daan patungo sa kaligtasan maliban kay Jesukristo.

At ngayon, anak ko, ito ay sinabi ko sa iyo upang ikaw ay matuto ng karunungan, nang matuto ka sa akin na walang ibang daan o pamamaraan upang maligtas ang tao, tanging kay at sa pamamagitan ni Cristo.

Masdan, siya ang buhay at ang ilaw ng sanlibutan.
Masdan, siya ang salita ng katotohanan at kabutihan.

Alma 38:10–12

Pinayuhan ni Alma si Siblon na maging mahinahon at matalino.

At ngayon, sapagkat nagsimula ka nang ituro ang salita maging sa nais kong magpatuloy ka sa pagtuturo; at nais kong maging masigasig at mahinahon ka sa lahat ng bagay.

Tiyaking hindi ka inaangat sa kapalaluan;
oo, tiyaking hindi ka nagmamalaki sa iyong sariling karunungan,
ni sa iyong labis na lakas.

Gumamit ng katapangan, subalit hindi mapanupil;
at tiyakin ding pigilin ang lahat ng iyong silakbo ng damdamin;
upang mapuspos ka ng pagmamahal;

Tiyaking nagpipigil ka mula sa katamaran.

Alma 38:13–15

Si Alma ay nagtapos sa pagmumungkahing wag manalanging katulad ng mga Zoramita, subalit lumapit sa Diyos ng may pagpapakumbaba.

Huwag manalanging tulad ng ginagawa ng mga Zoramita, sapagkat nakita mong sila ay nananalangin upang marinig ng mga tao, at purihin dahil sa kanilang karunungan. Huwag sabihin:

O Diyos, ako ay nagpapasalamat sa inyo na higit kaming
mabubuti kaysa sa aming mga kapatid;

kundi sabihin:

O Panginoon, patawarin ang aking pagiging hindi karapat-dapat,
at alalahaning kaawaan ang aking mga kapatid;

Oo, kilalanin ang iyong pagiging hindi karapat-dapat sa harapan ng Diyos sa lahat ng panahon. At nawa’y pagpalain ng Panginoon ang iyong kaluluwa, at tanggapin ka sa huling araw sa kanyang kaharian, upang umupo sa kapayapaan. Ngayon humayo, anak ko, at ituro ang salita sa mga taong ito. Maging mahinahon. Anak ko, paalam.