Huwag manalanging tulad ng ginagawa ng mga Zoramita, sapagkat nakita mong sila ay nananalangin upang marinig ng mga tao, at purihin dahil sa kanilang karunungan. Huwag sabihin:
O Diyos, ako ay nagpapasalamat sa inyo na higit kaming
_mabubuti kaysa sa aming mga kapatid;
kundi sabihin:
O Panginoon, patawarin ang aking pagiging hindi karapat-dapat,
_at alalahaning kaawaan ang aking mga kapatid;
Oo, kilalanin ang iyong pagiging hindi karapat-dapat sa harapan ng Diyos sa lahat ng panahon. At nawa’y pagpalain ng Panginoon ang iyong kaluluwa, at tanggapin ka sa huling araw sa kanyang kaharian, upang umupo sa kapayapaan. Ngayon humayo, anak ko, at ituro ang salita sa mga taong ito. Maging mahinahon. Anak ko, paalam.