Ang Zarahemla sa Ilalim ng Pamumunong Nauukol sa Hukuman

Ang Pagsalakay ng Alyansang Lamanita-Amlicita

Alma 3:20–21

Makalipas ng ilang araw, ang mga Amlicita at ang mga Lamanita ay muling sumalakay.

Ngayon ito ay nangyari na, na hindi pa lumilipas ang maraming araw matapos ang digmaang pinaglabanan sa lupain ng Zarahemla, ng mga Lamanita at ng mga Amlicita, na may isa pang hukbo ng mga Lamanita ang sumalakay sa mga tao ni Nephi, sa yaon ding lugar kung saan nakadigma ng unang hukbo ang mga Amlicita. At ito ay nangyari na, na may hukbong ipinadala upang itaboy silang palabas ng kanilang lupain.

Alma 3:22–23

Si Alma, na sugatan sa nakaraang laban, ay hindi humayo, ngunit sa halip ay nagpadala ng malaking hukbong Nephita.

Ngayon, si Alma rin na pinahirapan ng sugat ay hindi umahon sa digmaan sa panahong ito laban sa mga Lamanita; Subalit siya ay nagpadala ng napakaraming hukbo laban sa kanila; ...

Alma 3:23–24

Ang mga Lamanita at Amlicita ay naitaboy.

...at sila ay umahon at pinatay ang marami sa mga Lamanita, at itinaboy ang nalalabi sa kanila palabas ng mga hangganan ng kanilang lupain. At pagkatapos, sila ay muling nagbalik at nagsimulang itatag ang kapayapaan sa lupain, na hindi na ginagambala ng ilang panahon ng kanilang mga kaaway.

Alma 3:25–27

Maraming tao ang nakatagpo ng kanilang kamatayan, at ipinadala sa walang hanggang daigdig.

Ngayon, ang lahat ng bagay na ito ay naganap, oo, lahat ng digmaan at alitang ito ay nagsimula at nagtapos sa ikalimang taon ng panunungkulan ng mga hukom. At sa loob ng isang taon ay libu-libo at sampu-sampung libong kaluluwa ang ipinadala sa walang hanggang daigdig, upang anihin nila ang kanilang mga gantimpala alinsunod sa kanilang mga gawa, maging mabuti man o masama, upang umani ng walang hanggang kaligayahan o walang hanggang kalungkutan, alinsunod sa espiritung kanilang piniling sundin, kung ito man ay mabuting espiritu o masama. Sapagkat tinatanggap ng bawat tao ang kabayaran mula sa kanya na pinili niyang sundin, at ito ay ayon sa mga salita ng diwa ng propesiya; kaya nga, ito ay mangyayari alinsunod sa katotohanan. At sa gayon nagtapos ang ikalimang taon ng panunungkulan ng mga hukom.