Ngayon matapos sabihin ni Alma ang mga salitang ito, sila ay nagtanong sa kanya, nagnanais na malaman kung sila ay nararapat maniwala sa isang Diyos, upang matamo nila ang bungang ito na sinabi niya, o kung paano nila itatanim ang binhi, o ang salitang kanyang sinabi, na sinabi niyang kinakailangang maitanim sa kanilang mga puso; o sa paanong paraan sila magsisimula upang gamitin ang kanilang pananampalataya.
At sinabi ni Alma sa kanila:
Masdan, sinabi ninyong hindi kayo makasamba sa inyong Diyos dahil sa kayo ay itinaboy palabas ng inyong mga sinagoga. Subalit masdan, sinasabi ko sa inyo, kung inaakala ninyong hindi kayo makasasamba sa Diyos, kayo ay labis na nagkakamali, at nararapat ninyong saliksikin ang mga banal na kasulatan; kung inaakala ninyong itinuro nila ito sa inyo, hindi ninyo nauunawaan ang mga ito.
Natatandaan ba ninyong nabasa kung ano ang sinabi ni Zenos, ang sinaunang propeta, hinggil sa panalangin o pagsamba? Sapagkat sinabi niya: