At sinabi ni Alma sa kanila:
Masdan, sinabi ninyong hindi kayo makasamba sa inyong Diyos dahil sa kayo ay itinaboy palabas ng inyong mga sinagoga. Subalit masdan, sinasabi ko sa inyo, kung inaakala ninyong hindi kayo makasasamba sa Diyos, kayo ay labis na nagkakamali, at nararapat ninyong saliksikin ang mga banal na kasulatan; kung inaakala ninyong itinuro nila ito sa inyo, hindi ninyo nauunawaan ang mga ito.