Ang Mga Turo ni Amulek sa Mga Zoramita

Ang Pangwakas na mga Panghihikayat

Alma 34:37

Alalahanin ang mga bagay na ito, isagawa ang inyong kaligtasan, magkaroon ng takot sa Diyos, at huwag itatwa ang pagparito ni Cristo.

At ngayon, mga minamahal kong kapatid, hinihiling kong inyong tandaan ang mga bagay na ito, at isagawa ninyo ang inyong kaligtasan nang may takot sa harapan ng Diyos, at hindi na ninyo itatatwa pa ang pagparito ni Cristo;

Alma 34:38

Tanggapin ang Espiritu Santo, dalhin ang pangalan ni Cristo, sumamba ng may pagpapakumbaba nasaan man kayo, at maging mapagpasalamat.

At huwag na kayong makipagtalo pa laban sa Espiritu Santo, kundi inyong tanggapin ito, at taglayin ninyo ang pangalan ni Cristo; at kayo ay magpakumbaba ng inyong sarili maging hanggang sa alabok, at sambahin ang Diyos, saan mang lugar kayo naroroon, sa espiritu at sa katotohanan; at kayo ay mabuhay na nagpapasalamat araw-araw, sa maraming awa at pagpapalang ipinagkaloob niya sa inyo.

Alma 34:39

Manalangin nang kayo ay hindi matangay sa tukso; walang mabuting bagay ang maghihintay sa inyo roon.

Oo, at pinapayuhan ko rin kayo, mga kapatid ko, na inyong pangalagaang patuloy na manalangin, upang kayo ay hindi padala sa mga tukso ng diyablo, nang hindi niya kayo madaig, upang hindi niya kayo maging mga sakop sa huling araw; sapagkat masdan, kayo ay gagantimpalaan niya ng hindi mabuting bagay.

Alma 34:40

Maging matiyaga, dalhin ang inyong mga paghihirap, at huwag umalipusta laban sa mga yaong nagtataboy sa inyo.

At ngayon mga minamahal kong kapatid, pinapayuhan ko kayo na magkaroon ng pagtitiyaga, at kayo ay magtiis sa lahat ng uri ng paghihirap; na kayo ay huwag manlait laban doon sa mga nagtaboy sa inyo dahil sa inyong labis na kahirapan, at baka kayo ay maging mga makasalanang katulad nila;

Alma 34:41

Umasa ng may pagtiyatiyaga na isang araw kayo ay makapagpapahinga mula sa inyong mga paghihirap.

Kundi kayo ay magkaroon ng pagtitiyaga, at tiisin ang mga paghihirap na yaon, nang may matatag na pag-asa na kayo balang araw ay mamamahinga sa lahat ng inyong mga paghihirap.